Ako si Mylen De la Cruz ng Butuan City na naka schedule ang flight butuan to manila ngayong October 24 subalit naglabas po kayo ng advisory na nagsasabi na sa halip na oct. 24 naging oct 25 at connecting flight pa cebu to manila.Hindi po ako pwede sa ganoong petsa kasi meron po akong seminar sa Oct.25 kailangan kong makarating sa manila. Ito po ay hindi ko kasalanan, kaya po ako kumuha ng ticket in advance para masiguro ko na makarating sa itinakdang panahon. Okay lang po sa akin na kahit anong aiplane gagamitin ng air phil na aking masakyan patungong Manila ngayong 24 basta importante makarating me ngayong 24 at hindi po 25.Ito po ay hinihiling ko sa inyo na kayo na po ang mag process kung paano, basta wala na po akong karagdagang ibibigay na bayad sa pamasahe.Nong bumili po ako ng tiket sa inyo nagiging final na ang contrata natin.Dahil sa ginagawa niyong ito masyado kaming naabala. Ito po ay maliwanag na bridge of contract of carriage at maging liable po kayo nito ng damages sa perwisyo na aking sasapitin, kung sakali hindi ko maabot sa itinakdang panahon.Hinihiling ko po ang iyong agarang kasagutan at kung nais niyo po akong kontakin eto po iyong number [protected], [protected]..[protected]@yahoo.com Noong nag inquire po ako dito sa inyong ticketing office dito sa Butuan, nabanggit po ng staff na yung naapektuhan ng biyahe ay pwede mag pa re issue ng ticket ng biyahe PAL papunta Manila, kaya lang dapat kayo po ang mag sasaayos ng pag re issue ng ticket sa akin sa PAL para makarating ako sa 24 ng walang dagdag na bayad. Maraming salamat po.Sana po iyo akong matulungan.

This review (Air Phil Express Reviews & Complaints) was originally published at Holy Smoke !.

To read the full review, go to –
www.holysmoke.org/scam/air-phil-express/